Thursday, April 29, 2004

Enlistment and Enrolment

Sa isang paaralan, sigurado akong naranasan mo nang pumila ng mahaba at ikut-ikutin ang iyong mga mata para makahanap ng isang schedule. Maraming tao, maraming mga guhit-guhit na isinulat sa mga schedule (free sction kung tatawagin) may panglan ng kung sino man, may mga ginuhit ng linya para sa palatandaan at para sa mga malabo ang mata na siguro hindi na makita, ginamit nalang ang red parker para ito’y makita (kung tutuosin iba na ang usapan kung color blind ka) at mayroon pang vandal na nakasulat na “I love you Anna” sa isang papel, sa may gilid, at sa kahuli-hulian, maliit lang ang sulat siguro kasing liit lang nito….

è I LOVE YOU ANNA

Nang matapos na ang paghahanap ng schedule, pupunta ka sa registar o sa accounting, pila uli ng mahaba, sa iisang bintana, para I-approve ang iyong.. (anong tawag uli yun) papel? Form? Paper? Schedule form? Enlistment form? Enrollment from? Ewan ko basta maraming panglan, at kung hindi ka ba naman maaasar, iisa lang ang deadline, kaya kung nahuli ka talagang mamamatay ka (mayroon naman iba dyan na walang paki-alam) at kung hindi ka ba naman minamalas close ang registrar kapag lunch time at recces, kung mahaba ang pila, kung sobrang haba talaga, may karapatan silang putulin ang linya at sasabihing “bukas ka nalang pumila” at kung hindi lang matalas ang tenga ko, mayroon pang isa pang hirit, “at bumayad ka ng 2500 para sa late enrolment fee”.


ONLINE ENLISTMENT AND ONLINE ENROLLMENT

Okey maganda ito hi-tech, dahil naman na ito ay tinatawag na computer school, kailangan siguro I-improve natin ang facility ng paaralan, dahil sa problema, katulad ng walang kamatayang pagtangal sa pila at sa immortal na mahaba ang pila, siguro naisip na rin ng paaralan na gumawa ng Online at nabigyan ng idea tungkol sa internet. At dito nabuhay ang Online Enlistment at Online Enrollment (applause).

Ngayon paano ito gagamitin? Una sa lahat gumawa ng account “together with your username and password”, isagot lahat ng mga tanong katulad ng “when is your birthday” at patulan na rin yung tanong, kung ano ang pangalan ng iyong aso, yan ang isang halimbawa ng magpipili ka ng isang tanong at isasagot mo ito ng iyong tinatawag na “secret answer”, na karamihan ay paboritong sagutin at hulaan ng mga Hackers. Tapos maghintay ng isang linggo. Tapos tantararan ! mayroon ka nang account sa friendster esteh!! Online account sa paaralan na pwede mong ma-access kahit saan, kahit kailan. Maaasahan.


THE DISADVANTAGES OF O.E

Maganda na sana ang O.E, dahil mabilis na hindi ka na pipila ng mahaba, kahit kailan pwede mo ito magamit, kahit saan mo pwede gamitin, at siempre maaasahan. Pero dumating ng panahon na mapalitan ng maasahan sa maaangasan.

Ano nangyari? Yan ang tanong ko.

Kung sa halip na sinabi kong “mabilis na hindi ka na pipila ng mahaba”, napalitan naman ito sa mabagal, magulo at agawan ng computer (The Trip Through Jerusalem part II).

Kung sinabi kong “kahit kailan pwede mo ito magamit” napalitan naman ito sa “kahit anong oras makakakita ka ng error sa screen ng iyong laptop o computer” kung hindi error “server is busy” o “unable to find server” (sa ibaba).

At sa halip na sinabi kong kahit saan mo pwedeng gamitin, napalitan naman ito sa, kahit saan ka pumunta, kahit saan ka maghanap ng computer, nandyaan ang “hang” at “lag” sa computer.

Kaya ano ang nagyari sa maaasahan? Ito ay naging maaangasan.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home