Tuesday, October 05, 2004

Where am I

“Nasaan ako?”
“Ano ba ang ginagawa ko dito?”

Sa isang madilim na lugar na di ko alam at di ko pa napupuntahan sa buong buhay ko, na maski kahit sino ay wala pang nakakaalam at napuntahan nito kundi ako lang. itong lugar na ito ay punong puno ng palaisipan, mysteryo, tanong at kung ano pa mayroon dito, na kahit ako ay hindi ko rin maintindihan kung ano ano man mayroon sa lugar na ito.

Kung ano man mayroon dito
Bakit pa ako nandito?

Sa totoo lang wala naman laman ang lugar na ito kahit nga buhay ay wala rin buhay basta kahit ano walang laman dito sa hindi ko maintindihan at madilim na lugar, pero ang gusto ko lang malaman bakit nga ba ako nandito? Walang makakapag sabi kundi ako kung naranasan na ba ng ibang tao tungkol sa lugar na ito ewan ko basta ang alam ko nandito ako pero hindi ko alam kung bakit. Sa katagalan at sa aking sobrang tagal na pagiisip at aking paulit-ulit na tanong na kung bakit ako nandito? Inisip kong mabuti na paano ako nakapunta dito, dahil sa inip naisipan ko nang umalis sa lugar na ito pero ang problema ay walang pintuan at walang hanggan ang lugar na ito, kahit saan ako pumunta ay parang bumablik lang ako sa napupuntahan ko. Medyo mayroon lang yata akong konting problema dito sa lugar na ito yun ay ang tumakas.

………………………

Na alaala ko lang na mayroon pala akong tinatawag na “5 senses” binalak ko gamitin ito na isa-isa. una ay ako sumigaw at tumawag na “Tao po” pero walang sumasagot. Isa sa mga problemang dinanas at naranasan sa aking tinatawag ay “5 senses” ay ang aking ilong, mata, tenga at dila. Ang dahilan ay wala akong maamoy kasi walang laman, wala akong Makita kasi madilim, wala akong marinig siyempre tahimik at dila ………… magisip ka naman, hindi mo naman pwedeng lasahan ang mga bagay-bagay sa mundo at lugar na ito.

Tao po
Walang tao

Habang tumatagal sobrang inip na inip na ako wala akong magawa kundi magisip lamang sa tingin ko hindi ako mamamatay na nagiisa dito, dahil sa tingin ko mamamatay ako dito dahil sa inip, paano ba naman kasi wala kang ginagawa buti sana na nagging ako sana si Juan Tamad na walang ginawa kundi matulog at mamahinga kahit siya ay walang ginagawa, pero anong magagawa ko wala ka talagang kawala sa lugar na ito talagang nakakulong ka nga talaga anong magagawa ko ganito nalang ito habang buhay.

Isip lang ako ng isip dahil ito lang ang bagay na makakatulong saakin. Alam mo kasi dapat ginagamit natin ang ating utak dahil minsan kasi makakatulong saatin nito. Paano ba naman yung utak natin nilagyan pa ng mga mga “plates” dinagdagan pa ng matigas na bungo tapos buhok pa para lang maproprotektahan ang ating utak sa ating ulo, kaya nga minsan tinatawag tayo na “ang tigas ng ulo mo” pero teka lang parang nabigyan lang yata ako ng ideya, para lang sa kinabukasan ng aking buhay at sa aking pagka-inip at para lang mabuhay ako dito ng sobrang tagal, maggagawa nalang ako ng kwento na hindi pa naririnig ng tao yung mga naumpisahan ko noon o kahit ano basta may magawa lang ako dito sa lugar na ito na hindi ko maiipaliwanag.

Salamat utak
Anong magagawa ko
Kung wala ka


Kaya katulad ng sinabi ko minsan sa buhay natin matuto tayong mag-isip minsan lang ito makakatulong sa ating buhay. Pero sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa aking pagkakwento. Basta katulad ng sabi ng milyong-milyon na Pilipino “bahala na” basta magawa mo lang ang gusto mo.

BAHALA NA
Dito na nagsimula ang aking kwento
BAHALA NA

0 Comments:

Post a Comment

<< Home