Thursday, April 07, 2005

Love life [Raket lang]

Sabi ng mga ilang kakilala kong mga nilalang saakin ay ako raw ay kabilang sa mga importanteng tao sa buong mundo, isipin mo nalang na lahat kaya mong gawin, kaya mong gumuhit, magsulat, magsalita ng kung ano, gumawa ng pilosopng kaugnayan 9kung ano man yon) at gumawa ng tula.

Pero mayroon isang bagay na talagang bigong-bigo sa aking mga karanasan, yan ang kwento ko sa pag-ibig, masyadong madaya ang mundong ito, hindi ko alam kung bakit kinakailangan pa nating magkaroon pa ng kasintahan?

Sabi daw may kondisyon ang pagkakaroon ng kasintahan, kailangan mahanap yung tamang babae o lalake, pero ang tanong ko lang bakit ganoon? kailangan pa bang hanapin kung ano dapat at ano ang mararapat, hindi ba pwedeng kung sino ang mahal mo siya na?

oo nga eh, nakahanap nga ako eh, labing tatlo pa, at ang kadalasan dito, puro illegal.

Di ka pwedeng magkaroon ng kasintahan kung sila kapamilya, alam mo na siguro ang dahilan, taboo ito eh

Di ka pwedeng magkaroon ng kasintahan kung sila ay mahirap, dahil malulugi ka raw sa pera

Di ka pwedeng magkaroon ng kasintahan kung sila ay mayaman, pera lang ang iniintindi, pera lang ang inaabot, kadalasan daw sa mayayaman prinoprotekta ang pera at minsan lang sa pamilya ewan ko lang kung totoo ito

Di ka pwedeng magkaroon ng kasintahan kung may asawa na, adultery daw kung tatawagin

Di ka pwedeng mag karoon ng kasintahan kung sila ay may kasintahan na rin, yan ang problema ko ngayon...

kung ikaw ay pilipino (lalake) di ka pwedeng manligaw sa mga chinese (na babae), tradiyon daw ito sa kanila.

At kung ano pa ang mga dahilan ko,

Nagrereklamo ako ngayon tungkol dito, bakit nga ba kinakailangang pang magkaroon ng batas tungkol sa pag-ibig, akala ko ba love is everywhere? at sa mga napapanood kong mga kwento tungkol sa mga love-life na nagkakaroon daw na happy ending, natutunan ko na wala naman sa buhay ang happy ending.

bigo talaga ako sa pag-ibig, pasensya na asar lang ako, siguro kinakailangan kong bigyan ng mensahe si Joe D MAnggo sa libre at ilahad ko ang reklamo ko tungkol sa pag-ibig. ang dahilan kailangan ko ng tulong yun lang di na ako magsasalita.

sige dito nalang ako lalagyan ko na ng plaster ang aking bibig para di na ako magsalita

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hay, naku! kung nabasa ko lang ng mas maaga 'to, eh, di sana natulungan kita........ wag kang mag-alala, makikita mo rin ang tunay mong pag-ibig.... pwede na kaya ako?
mail me nalang, ok?
against_ur_dislikes@yahoo.com

10:28 PM  
Anonymous Anonymous said...

haha... raket ang pag-ibig? deal or no deal?

11:12 AM  

Post a Comment

<< Home