Thursday, February 24, 2005

mga alaala noong bata pa ako

Sa channel 13. Paborito mong panoorin ang Shaider, Maskman, Mask Rider Black,Bioman, Machine Man at kungano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa wikang Filipino ang mga awit at ang kanilang salita na may mali pang translation, tuwing sabado.

Naalaala mo pa noong nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay na nakasuot na parang di hapon ang itsura ng kanilang kasuotan sa channell 21. (Pinag-iisipan mo palang habang nanonood kung paano silang lumalaban sa huling pagsubok na parang nakasakay sila sa isang bumpercar at
nagbabarilan, gamit ang water gun na may special sound effect gayong sa Japan ginagawa yun di naman sa Pilipinas)

Naglaro ka ng, mataya-taya Monkey-Monkey-Annabelle, pitsa-pitsa prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, ten-twenty at kung ano-ano pang larong madaling iimbento na ipinagsamang takbuhan na para kang gumagawa ng isang ritua noong pagkabata. (Na pumalit naman dito ay kantang otcho-tcho at ispageti).

Nabuhay ang tag ng milo na di naman lasang milo na parang may kulang sa lasa ng isang 500 gramo ng milo sa bawat 5000 na istudyante na di ka nagtataka na mas masarap pa ang ovaltine

Ang hunting ground ng kabataan ay sa bakanteng lote, kung saan humuli ng gagamba, paro-paro, mandadangkal, butiki, kakaibang insekto, at milipedes

Naranasan mo na rin ang isang universal culture song ng uwian na na mag-kasing tono lang ito ng kasalan sa simbahan, kung di ako nagkakamali, patuloy mong kinakanta ang theme ng voltez-V at ang kantang teenage mutant ninja turtles, ng paulit-ulit, na di ka nagtataka na puro yan lang ang sinasabi sa kantang TNMT

Nagpaka-uto ka sa usapin ng Batibot pero hindi na sa ATBP, pero ewan ko nlang sa sesame st.

Nabuhay na dito ang larong brick-game kasabay na dito ang family computer, na madaling masira at madaling makagawa ng awayan,

Ang "text" dati ay katumbas ng 1"x1.5" na gawa sa karton na may drawing ng kahit anong mapapalabas sa pelikulang pinoy at nagevolve na ito sa paboritong cartoon.

Todong sumikat si hulk hogan at si ultimate warrior, at hanggang ngayon naniniwala ka pa rin na namatay si ultimate warriror dahil binuhat niya ng todo si andred giant na sanhi kung bakit pumutok ang ugat ng kanyang muscle na hindi naman ito totoo, pero di nagtagal sumikat nman ang ibang wrestler.

Gumagawa ka ng sariling dance-step ng kahit anong mga nauusong kantahan tulad ng ice-ice baby, running man at yung cant touch this basta yung magandang tano.

Bawat entertainment value ay nakasaad ito sa schedule, na kung saan maganda ang palabas tuwing Lunes hanggang biyerness pero hindi sa huwebes at sa sabado kung saan pinapanood mo palagi ang thats entertainment.

Nakilala mo si Valiente, si agila si Mara Clara at si Ana Luna, dating soap opera na parang pre-spanish modern colonization

Kilala mo pa ang smokey mountain hanggang ngayon for first and second generation.

Nagsusuot ka pa ng sapatos na may ilaw na akala mo dati ay wala itong baterya at tska naman nagsuot ka naman ng damit na umiilaw na sobra naman ito sa sikip.

Palagi mong ipinapanood ang kapanapanabik at madramang cartoon, tulad ng cedie, princess sarah, candy candy at si nilo na karamihan sa kanila ay nabuhay bilang mahirap at tumira sa mga sadistang nilalang na ginawa ng panginoon, na ang tanging misyon lang nila ay mahanap ang kanilang magulang maliban lang kay nilo na namatay ng maaga

Ang time out dati aytime firstat simbolismo ito ng dalawang daliri at hindi sa basketball at di ko na lam kung sinong praning ang nag-imbento nito.

Ang laro dati ay madaling iimbento dahil ito ay isang outdoor activity kahit anong nakakapagod, nakakapawis, agad na itong naiimbento, kumpera sa ngayon ang tanging nilalaro natin ay puor online at hindi na outdoor

Wednesday, February 23, 2005

Mathematical: family problem

One day there was a two married couple whose family was an A family and a B family....

Equation:
2( x + y + 2 ) = 4(x + y - 1)


Both A and B family share the same amount of resources...

Equation:
2x + 2y + 4 = 4x + 4 y - 4

As time goes by because of problems and misunderstanding both A and B family went divorce and coincidentally the widow of A family married through the other half of A family and so the widow of B family was also married through the other half of B family, then again they shared there saved resources....

Equation:
2x + 4x + 4 = 2y + 4y - 4

As another time goes by the A family bore a child whose name was X and B family bore a child of its own whose name was Y.

Equation:
6x + 4 = 6y - 4

Then there are times that X and Y met together for coutship. then years have pass they get married and shared there resources. But because X love Y so much, X decided to give all of his resources to Y, as time comes Y spend all of its resources..

Equation:
X = 6y - 4
--------
6 + 4

Then after Y spend its resources, X forcefully divorce Y because Y spends all there resources but after X leave the family, Y bore a child whose name was not mentioned but then again Y uses its last remaining resources to take care of its child, which is they only have one resources.

Equation
X = Y - 1


THE END

======================

One thing I learn about math it gives you a lot of problem....

RAKET

Suicide: good or bad?

Satan: negative evil or positive evil?

Franchising business for third world countries: better or worst?

Missionary: spreading gospels or imperialism?

Schools education or artificial intelligence?

Graduation or Experience?

Survival or killing

Creating or destroying

Plan of agriculture or business

Communist or Democracy

Feminism or Machoism

Natural born or test-tube baby

Manpower or machines

Tuesday, February 22, 2005

Problem

Sabi ng mga nilalang sa mundong ito buhay daw kapag may problema ang isang tao. Kung hindi ako nagkakamali sabi nila lahat daw ng problema nalulutas, kung tutuusin para saakin ang problema ay sybolismo ng math kung tutuusin, hindi ko lang maiintindihan kung bakit kapag nalulutas na ang mga bagay-bagay na tinatawag na problema, Bakit nga ba nag-kakaroon pa rin panibagong problema.

Tuesday, February 08, 2005

ANG MGA NATUTUNAN KO SA KAPALIGIRAN

Habang naglalakad ako at naghihintay ng jeep, napansin ko lang ang impluesya ng kapaligiran sa bawat mamamayan dito sa pasay. Kung maaari lang sana habang dumadaan ako dito sa pasay araw-araw at gabi-gabi, kapag nagkaroon lang ng kaunting problema, di ko pala namalayan na apektado na rin pala ako, kung minsan ang problemang ito, hindi pa ito nalulutas.

Kung sira ang drainage sytem, magkakaroon ng baha at magkakaroon din naman ito ng traffic. kung punong-puno na sandamukal na tambak na basura, magiging masikip ang daan, mag-kakaroon ng traffic at maaapekto naman ito sa kalusugan ng tao dahil sa amoy at yung mga langaw na kung saan-saan ito dumadapo. at kung traffic naman sa pasay, malamang siguro huli na ako sa trabaho, sa madaling salita late na ako.

Sa mga sinulat ko ng mga problema sa pasay, di ko na matandaan kung kailan pa ito nag-simula na hanggang ngayon ay hindi pa ito nalulutas. Kaya ang reklamo ko ngayon, bakit nga ba hindi agad rumeresponde ang isang tao sa ganitong problema? Kailan niyo pa bang lutasin ang problemang ito? At bakit nakatambak lang ang iyong hindi pa natatapos na proyekto?

Sa ganitong simpleng problema damay pati na rin ang ang isang tao. Hindi ba dapat kapag may problema dapat lutasin itosa lalong madaling panahon? Pero kung ako ang tatanungin mo kung bakit ganito ang pasay ay hindi ko na talaga alam. Naaawa lang ako sa kalagayan nito. Kung problema ng isa problema ng lahat.